Nuong 16 years old ako, naisip ko, pwede na siguro ako mamatay by 30.
Nang tumungtong ako ng 25... wala pa ako masyadong nagagawa sa buhay. Naisip ko, kapag 40 years old na ako, pwede na akong kunin ni Lord. May nagawa na siguro ako na makabuluhan by then.
Gumising ako ng isang araw, 30 na ako. May asawa. Sabi ko, kahit mga 50 years old siguro, okay na. Happy twenty years together na din yun. Mumultuhin ko na lang asawa ko kapag nag-asawa ng iba.
Almost 34 years old ako nang ako ay magluwal ng isang bata sa mundo. Hawak ng aking mga kamay. Halos di pa niya ako makita, pero alam ko na kilala niya ako. Alam ko na alam niya kung ano ako sa buhay niya. Thirty-six ako nang magluwal ng isa pa.
Simula nuon, mataimtim na akong nagdadasal gabi-gabi na bigyan ako ni Lord ng mahabang buhay at malusog na pangangatawan. Naisip ko, sino ang mag-aalaga sa kanila kapag may nangyari sa amin?
Higit pa dun, gusto kong makita silang lumaki at danasin ang buhay. Gusto kong maloko sila sa mga crush nila (at asa pa akong magkwento pa sila ng lovelife nila kapag ginawa ko yun). Gusto kong magtampo na di na nila ako pinapansin dahil lagi na nilang kasama partner nila. Gusto kong malibre dahil nakuha nila ang kanilang first paycheck.
Gusto kong makita silang magtagumpay sa buhay. Gusto kong nanduon ako para umalalay when they fail. Gusto kong maging andun para sa kanila kapag kailangan nila ako. Gusto kong nariyan lang ako kahit iniisip nilang di nila ako kailangan.
Kaya note to self: bawas-bawasan ang pagkain ng taba ng baboy sa sinigang ng Rodic's pati adobo at humba ni Mama.
No comments:
Post a Comment